Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Miyerkules ng hapon (September 8), ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Jolina.
Sa Luzon, nakataas ang orange warning sa Cavite, Bataan, at Batangas habang yellow warning level naman sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Zambales (Olongapo, Subic, Castillejos, San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan, San Marcelino), Quezon (Lucban, Tayabas, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio at Pagbilao).
Sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Dagdag pa ng PAGASA, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija at nalalabing parte ng Zambales at Quezon sa susunod na tatlong oras.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.