422 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 422 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (September 8), 36,323 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,501 ang aktibo pang kaso.

174 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 33,714 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 108 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...