Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 222.77 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 222.77 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 222,777,304 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 41,206,672 cases.

Sumunod na rito ang India na may 33,096,718 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,913,578 naman ang kaso sa Brazil habang 7,056,106 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,047,880
– France – 6,854,028
– Turkey – 6,542,654
– Argentina – 5,211,801
– Iran – 5,184,124
– Colombia – 4,921,410
– Spain – 4,892,640
– Italy – 4,579,502
– Indonesia – 4,140,634
– Germany – 4,029,849
– Mexico – 3,449,295

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,600,073 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 199,304,747 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...