Pinasalamatan ni Indonesian President Joko Widodo ang pamahalaan ng Pilipinas at lahat ng tumulong para ligtas na mapalaya ang sampu nilang mamamayan na dinukot ng Abu Sayyaf noong March 26.
Ayon kay President Jokowi, hindi niya alam kung binayaran ang P50 million na ransom na hinihingi ng bandidong grupo.
Ang mahalaga sinabi ni Widodo na pawang maayos ang kalagayan ng mga nakalayang Indonesian.
Ayon kay Widodo, pangungunahan nila ang isang pulong kasama ang Malaysia at Pilipinas para paigtingin ang seguridad karagatang nasa border ng tatlong bansa.
Sa nasabing pulong na lalahukan ng foreign ministries at military chiefs ng tatlong bansa, sinabi ni Widodo na tatalakayin ang pagpapaigting sa joint patrols.
Ang sampung pinalayang Indonesians ay inihatid sa harap ng bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan II kahapon.
Kinilala ng mga otoridad ang mga nakalayang bihay na sina Peter Tonson, Julian Philip, Alvian Elvis Peti, Mahmud, Surian Syah, Surianto, Wawan Saputria, Bayu Iktavianto, Reynaldi at Wendi Raknadian.