Talagang hating-hati ang bayan, hindi lang harapan kundi maging sa Facebook na uso ngayon ang “unfriend” o kaya’y “blocking.” Sa totoo lang, wala halos pagpilian kaya’t hanggang ngayon ako’y undecided muna.
Ang talagang gusto (sa pananaw ko) ng nakararaming Pilipino ay ibasura ang elitist at tamad na administrasyon ni PNoy. Patalsikin ang dilawang gobyerno sa mapayapang eleksiyon kahit pinipilit pa rin ng Roxas-Robredo tandem na sila raw ang “continuity.” Itutuloy ba nila ang administrasyong maganda lang sa papel pero lalong nagpahirap sa mamamayan?
Ito namang si Mayor Digong Duterte, na mahirap na kandidato at walang isyu ng corruption ang nagsasabing siya ang tunay na pagbabago.
Pag-ubos sa mga drug syndicates at gera sa corruption ang una niyang pangako na kumabit agad sa mga botante.
May e-xecutive ability, mabilis magdesisyon, may kamay na bakal, may disiplina at kabisado ang kalakaran sa gobyerno.
Pero, nang lumaon, magdedeklara daw siya ng revolutionary government, bubuwagin ang Kongreso at papalitan ang Konstitusyon.
Isusulong niya ang Bangsamoro Basic Law at ang Federalismo – mga bagay na nagpatulala sa mga malala-king negosyante sa Makati Business Club at maging sa mga middle class.
Ngayong Lunes, aabangan ng lahat ang komprontasyon ng kampo ni Duterte at Sen. Sonny Trillanes sa BPI Julia Vargas Ortigas branch tungkol sa joint account ni Digong at anak na si Sara.
Sabi noong una, wala raw, tapos meron na at naglalaman daw ng P17,000 lang. May kundisyon pa na pumirma ng affidavit si Trillanes kung sino ang “source” ng dokumento.
Bukod diyan, meron pang dollar account at 17 accounts na higit P2-bilyon ang nagdaang transak-syon. Sabi ng kampo ni Duterte, black propaganda lang ito ng Malakanyang.
Pero, mukhang hindi matitigil ang marami pang pagbubulgar.
Samantala, nakangiti naman si Binay sa bi-nubulatlat na bank accounts ni Duterte. Binakbakan si Binay ng 25 Senate hearings sa loob ng 17 buwan.
Nailagay sa AMLC ang daan-daang accounts pati mga apo niya, pero nagpasya ang Korte na isa na lang ang “frozen” at iyon ang ginamit sa halalan nuong 2010.
Pumirma naman si Binay ng General Waiver nitong nakaraang Marso sa Cebu, kahit na-AMLC na. Ibinigay sa publiko ang kanyang 30 years na SALN at ITR nya sa gobyerno pero dahil hinusgahan na, walang nais pumansin.
Habang mainit ang iba pang mga isyu, si Sen. Grace Poe ay “babae” at “nanay” ang bagong mensahe sa kampanya. Of course, ito’y isang maliwanag na patama kay Digong na dumulas sa kanyang “rape comment” sa namatay na magandang Australyana.
Patama rin ito kay Digong na ang paboritong laman ng kanyang mga rally ay tungkol sa kanyang libog. Pakiwari ni Poe ang paglaban niya sa ginagawang pagmamaliit ni Digong sa mga babae ay magpapataas ng kanyang rating.
Of course, si Miriam, pinag-iisipan ko rin, pero parang naglalakas-lakasan lang ng loob itong si Ma’m na talaga namang ubod nang galing kung hindi lang sana nagkasa-kit.
May pitong araw pa ako para mag-isip kung sino ang iboboto ko. Ang matitiyak ko lang, wala sa plano kong palawigin pa ang Daang Matuwid. A-nim na taon tayong nagtiis. Sobra na, tama na, palitan na!