Sunog sa candy factory sa Navotas umabot sa task force echo

fire-default

(UPDATE) Mahigit labing isang oras na tumagal ang sunog sa isang factory ng candy sa Navotas City bago ito nakontrol ng mga bumbero.

Ang sunog sa tatlong palapag na gusali na pag-aari ng Columbia Foods Factory sa Barangay San Rafael, sa Navotas City ay nagsimula pa kagabi, at kanina lamang alas 9:37 ng umaga naideklarang fire under control.

Nagsimula ang sunog alas 10:08 ng gabi kagabi at alas 10:46 ng gabi nang iakyat ito sa 5th alarm.

Mabilis na kumalat ang apoy at lumaki ang sunog dahilan para itaas ang alarma sa task force echo pasado ala 1:00 ng madaling araw kanina.

Sa ngayon ay hindi pa naidedeklarang fire out ang sunog.

Pawang mga candy, sangkap sa paggawa ng candy at mga plastic na pambalot ng candy ang laman ng nasabing pabrika.

 

 

Read more...