Dentistang nadadawit sa umano’y ‘Duterte properties’, itinangging ‘dummy’ siya ng alkalde

 

Mula sa FB/Dr.Gian Paolo Duterte

Mariing itinanggi ng isang dentista na siya ay ‘dummy’ ni presidential candidate Rodrigo Duterte at nag-iingat ng lupa na pag-aari umano ng alkalde na nakalagay sa kanyang pangalan.

Unang isiniwalat ni Trillanes na iniulat ng isang tv network na may isang Cagayan De oro property umano si Duterte na nakapangalan umano sa isang nagngangalang Gian Paolo Duterte.

Sa statement na inilabas ni Dr. Gian Paolo D. Duterte na residente ng Cagayan De Oro City, itinanggi rin nitong kanyang kamag-anak ang alkalde.

Kinastigo rin ng dentisa ang pagdawit ng senador sa kanyang pangalan sa naturang isyu.

Giit ni Dr. Duterte, isa siyang pediatric dentist at sa pamamagitan ng isang ‘bank loan’ ay nagawa niyang mabili ang property sa Cagayan De Oro City na binabanggit sa ulat at ng senador na pag-aari umano ni Mayor Duterte.

Kanya aniyang nabili ang naturang protperty sa pamamagitan ng pag-iipon at loan sa bangko sa tulong ng kanyang propesyon.

Read more...