Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), base ito sa naitalang datos hanggang 12:00, Martes ng tanghali (September 7), bunsod ng soil collapse at pagbaha dulot ng Bagyong Jolina.
Sa ulat ng DPWH Bureau of Maintenance (BOM), tinukoy ni DPWH Secretary Mark Villar ang apektadong kalsada sa CAR dahil sa soil collapse: Jct. Talubin – Barlig – Natonin – Paracelis -Calaccad Road sa K0421+500 – K0421+510, Chupac. Kadaclan, Barlig, Mt. Province.
Sa ngayon, nagsasagawa ng clearing operation ang quick response team sa nasabing kalsada.
Sa Leyte naman, pagbaha ang sanhi ng pagsasara ng dalawang kalsada: Jaro-Dagami-Burauen-Lapaz Road sa K0963+200 – K0963+900, Brgy. Canlingga, Dagami Town, at Sto. Rosario-Villaba Road K1007+100 – K1007+450.
Naglagay na ang kagawaran ng warning signs bilang gabay sa mga motorista at publiko.
Tiniyak ng DPWH na handa silang rumesponde sa mga posibleng epekto ng bagyo.