#JolinaPH, napanatili ang lakas; Maaring mag-landfall sa Bondoc Peninsula-Marinduque area sa Miyerkules ng umaga

Napanatili ang lakas ng Severe Tropical Storm Jolina habang kumikilos sa Sibuyan Sea.

Base sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 65 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Romblon, Romblon bandang 7:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sa ngayon, narito ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signals:

Signal no. 2:
– Northwestern portion ng Sorsogon (Donsol, Pilar)
– Northern portion ng Masbate (Ticao Island, Mobo, Milagros, City of Masbate, Baleno, Aroroy, Mandaon, Balud, Burias Island)
– Western portion ng Albay (Jovellar, Pio Duran, Libon, Oas, City of Ligao, Guinobatan, Camalig, Daraga, Polangui)
– Romblon
– Quezon
– Batangas
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Metro Manila
– Southern portion ng Bulacan (Norzagaray, City of San Jose del Monte, Marilao, City of Meycauayan, Obando, Santa Maria, Bocaue, Balagtas, Bulacan, Hagonoy, Paombong, City of Malolos)
– Southern portion ng Bataan (Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac, City of Balanga, Abucay)
– Marinduque
– Northern at central portions ng Oriental Mindoro (Bansud, Gloria, Pinamalayan, Socorro, Pola, Victoria, Naujan, City of Calapan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)
– Western at southern portions ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Cabusao, Pasacao, Pamplona, Canaman, Magarao, Bombon, Naga City, Pili, Minalabac, Milaor, Gainza, Camaligan, San Fernando, Bula, Balatan, Bato, Nabua, Iriga City, Buhi, Baao)

Signal no. 1:
– Nalalabing parte ng Sorsogon
– Nalalabing parte ng Masbate
– Nalalabing parte ng Albay
– Nalalabing parte ng Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro
– Camarines Norte
– Nalalabing parte ng Camarines Sur
– Western portion ng Catanduanes (San Andres, San Miguel, Virac, Bato, Caramoran)
– Nalalabing parte ng Bulacan
– Zambales
– Pangasinan
– Tarlac
– Pampanga
– Nalalabing parte ng Bataan
– Nueva Ecija
– Central at southern portions ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, San Luis, Dingalan, Baler)
– Southeastern portion ng Quirino (Nagtipunan)
– Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Kayapa)
– Southern portion ng Benguet (Bokod, Itogon, Tuba, Baguio City, Sablan, La Trinidad, Tublay)
– Southern portion ng La Union (Rosario, Pugo, Tubao, Santo Tomas, Agoo, Aringay, Caba, Naguilian, Burgos, Bauang)
– Western portion ng Northern Samar (San Jose, Rosario, Victoria, San Isidro, Lavezares, Allen, Biri, San Antonio, Capul, San Vicente)
– Northwestern portion ng Samar (Calbayog City, Tagapul-An, Almagro, Santo Niño)
– Aklan
– Northwestern portion ng Antique (Caluya)
– Capiz
– Northeastern portion ng Iloilo (Lemery, Ajuy, Concepcion, Sara, San Dionisio, Batad, Balasan, Estancia, Carles)

Inalis na sa Signal no. 1 ang ilang lugar sa bansa.

Abiso ng PAGASA, mabigat na buhos ng ulan ang mararanasan sa Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines provinces, CALABARZON, Romblon, Marinduque, at Mindoro provinces susunod na 24 oras.

Katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila, Aurora, Western Visayas at Catanduanes.

Sa susunod na 12 oras, patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa Sibuyan Sea, saka magtutungo sa Bondoc Peninsula-Marinduque area.

Maaring mag-landfall o dumaan ng sentro ng bagyo malapit sa Bondoc Peninsula-Marinduque area sa Miyerkules ng umaga (September 8).

Read more...