Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Martes ng madaling-araw, September 7, nasa 18,901,373 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 13,398,597 enrollees sa public; 925,961 sa private; habang 19,488 naman sa SUCs/LUCs.
Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,736,301 enrollees.
Sumunod dito ang Region 3 na may 1,945,739 enrollees, at National Capital Region na may 1,869,853 enrollees.
Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase.
Nakatakda ang pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2021-2022 sa September 13, 2021.