Halos 2,000 pasahero, stranded sa mga pantalan dahil sa #JolinaPH

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Bunsod pa rin ito ng Severe Tropical Storm Jolina.

Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Martes ng tanghali (September 7), stranded ang 1,946 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, at Bicol region.

Maliban dito, stranded din ang 17 vessels, at 682 rolling cargoes sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PCG, nakararanas ng rough to very rough sea condition sa Eastern Visayas habang moderate to rough naman sa Bicol.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Read more...