Reklamong inihain vs Roque dahil sa umano’y paglabag sa quarantine protocols, sa basura lang pupulutin

Photo grab from PCOO Facebook video

Kumpiyansa si Presidential spokesperson Harry Roque na sa basurahan lamang pupulutin ang reklamong inihain ng watchdog group na Pinoy Aksyon sa Office of the Ombudsman dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Ayon kay Roque, wala kasi siyang nilalabag na quarantine protocols.

Kabilang sa mga inireklamo ng Pinoy Aksyon ang pamamasyal at paliligo kasama ang mga dolphin ni Roque sa Subic noong July 2020 at hindi pagsunod sa social distancing nang bumisita naman sa Cebu noong November 2020.

Binatikos din si Roque sa pagbisita at pag-scuba diving sa Boracay noong February 2021.

Sinabi pa ni Roque na mabuti at nagsampa ng reklamo ang Pinoy Aksyon para mapatunayang wala siyang nilalabag na quarantine o health protocols.

Sinabi pa ni Roque na lahat ng kanyang ginagawa ay naayon sa quarantine classifications.

Payo pa ni Roque sa grupo, magsampa na lamang ng ibang kaso dahil tiyak na maibabasura lamang ang asuntong nakabinbin sa Ombudsman.

Read more...