Globe may alok na libreng tawag, charging, Wi-Fi sevice sa mga apektado ng #JolinaPH sa Samar

Photo credit: Globe Telecom/Facebook

Nag-aalok ng libreng tawag, libreng charging, libreng WiFi services ang Globe Telecom sa mga residenteng apektado ng bagyong Jolina sa Samar.

Ayon sa Globe, matatagpuan ang libreng serbisyo sa Borongan Plaza, Baybay 3, Borongan City, Eastern Samar mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Setyembre 7 at 8.

Mayroon ding kaparehong libreng services ang Globe sa harap ng municipal building sa Sta. Margarita sa Western Samar sa kaparehong oras at petsa.

Pagtitiyak ng Globe, nakahanda ang kanilang hanay na masiguro na maayos ang linya ng komunikasyon sa mga lugar na sinasalanta ng bagyong Jolina.

Ayon sa Globe, mayroon ng naka-standby na technical at support personnel na mag-aayos ng linya ng komunikasyon.

Mayroon na ring nakaantabay na generators para sa mga pasilidad sakaling magkaroon ng power interruption.

Read more...