BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 2.12-M na

Lagpas sa 18,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 7), pumalo na sa 2,121,308 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 158,637 o 7.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 18,012 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

92.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.4 porsyento ang asymptomatic; 2.49 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 161 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 34,498 o 1.63 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 18,945 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,928,173 o 90.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...