Sa datos noong September 5, nasa 21,905 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.
Sa nasabing bilang, 3,805 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 16,150 sa MRT-3 habang 1,950 naman sa PNR.
Dahil dito, umabot na sa 1,732,158 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.
Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.
Pinalawig ang libreng sakay sa railway lines kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang September 7, 2021.