560 nakapasa sa 2021 Architect Licensure Exam – PRC

Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 560 sa 849 indibiduwal na kumuha ng 2021 Architect Licensure Examination (ALE) na nakapasa.

Isinagawa ang eksaminasyon sa Baguio, Cebu, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, San Fernando (Pampanga), Tacloban at Zamboanga noong August 27 at August 29, 2021.

Hindi naman nakasama ang National Capital Region (NCR) makaraang kanselahin ang ALE bunsod ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Inilabas ang resulta limang araw matapos ang huling araw ng eksaminasyon.

Nanguna sa eksaminasyon ang dalawang estudyante mula sa University of San Carlos na sina Benson Heinrick Booc Go (83.50 percent rating) at Mark Anthony Veloso Flordelis (83.40 percent rating).

Maaring isagawa ang registration para sa Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration mula October 11 hanggang October 14, 2021.

Pumunta lamang sa www.prc.gov.ph at sundin ang mga hakbang para sa initial registration.

Ayon sa PRC, antabayanan na lamang ang anunsiyo ukol sa petsa at venue ng mass oathtaking ng mga nakapasang examinees.

Narito ang listahan ng mga nakapasa sa ALE:
https://www.prcboard.com/ale-results-august-2021-architecture-board-exam-passers/

Read more...