IS, inako ang double car bombing sa Iraq, 32 patay

 

Mula sa Twitter

Inako na ng grupong Islamic State ang magkasunod na pagpapasabog ng dalawang sasakyan sa bayan ng Samawa sa Iraq kung saan hindi bababa sa 32 sibilyan ang nasawi habang mahigit 75 naman ang sugatan.

Sumabog ang unang sasakyan malapit sa isang gusali ng pamahalaan, habang ang pangalawa naman ay sa isang bus station na 60 metro lang ang layo sa naunang pag-sabog.

Nagdulot ng sunog at makakapal na usok ang mga pagsabog na naganap bandang tanghali ng Linggo, kaya agad itong nirespondehan ng mga bumbero.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pang nagsasagawa ng rescue operations ang mga otoridad.

Ang Samawa ay kabisera ng Muthanna Governorate na pinaninirahan ng mga Shia Muslims.

Read more...