Departure hall ng Brussels Airport, bukas nang muli

 

File photo

Sa unang pagkakataon mula nang maganap ang madugong serye ng mga pambo-bomba noong March 22, muli nang binuksan ang departure hall ng Brussels Airport.

Matagal naman nang binuksan ng paliparan ang kanilang serbisyo para sa mga flights, ngunit gumagamit lamang ng temporary check-in tents ang mga pasahero.

Labis na pinsala kasi ang idinulot ng suicide bombing sa departure hall ng paliparan kung saan 16 katao ang nasawi.

Magagamit na ng mga pasahero ng mga piling flights ang bagong gawa na departure hall simula ngayong Linggo pagkatapos ng isang seremonya.

Dahil na rin sa naunang naganap na pagpapasabog, mas mahigpit na ngayon ang seguridad na ipinapatupad sa pagpasok pa lamang ng terminal.

Itinuturing ni Brussels Airport Company CEO Armund Feist na mahalaga ang araw na ito sa pagbangon di lang ng paliparan kundi ng kanilang lungsod.

Matatandaang kasabay ng pag-atake sa paliparan ay may pagsabog din sa subway kung saan 32 katao ang nasawi.

Umaasa si Feist na babalik na sa 100 percent ang kapasidad ng paliparan pagdating ng Hunyo.

Read more...