Lagpas 4.58 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,589,119 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 666,559.
Sumunod na rito ang Brazil na may 583,866 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 441,075 naman ang death toll sa India habang 263,470 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 198,523
– Russia – 187,990
– Indonesia – 136,473
– United Kingdom – 133,274
– Italy – 129,567
– Colombia – 125,331
– France – 115,007
– Argentina – 112,673
– Iran – 111,257
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 221,997,694 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 198,606,051 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.