Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (September 7), 35,915 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,253 ang aktibo pang kaso.
219 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 33,554 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 108 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES