Graduate ng University of San Carlos , topnotcher sa Architect Licensure Examination

Nanguna ang graduate ng University of San Carlos sa Cebu City sa Architect Licensure Examination (ALE)  na isinagawa noong Agosto.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), topnotcher si Benson Heinrick Booc Go na nakakuha ng rating na 83.50%.

Nasa pangalawang puwesto naman si University of San Carlos graduate na si Mark Anthony Veloso Flordelis na nakakuha ng 83.40%.

Nasa top 3 si Ryan Rosales Adarlo ng Batangas State University-Alangilan na nakakuha ng 82.90%, nasa top 4 si Patriz Anneveyle Hernandez Cruz ng Bataan Peninsula State University-Main Campus na may 82.10%, top 5 si Alyanna Marya Tricia Marquez De Villa ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology na may 81.90%, top 6 si Magdalena Beatriz Lepiten Arriola at Gerard Luague Borbon ng USC; at Jose Angelo Solitaria Mangcupang ng Ateneo de Davao University na may 81.60%.

Pasok naman sa top 7 si  Richard Marzan Lictaoa ng St. Louis College of San Fernando at Lester Mark Vitug Manalo ng Holy Angel University na may 81.50%, top 8 si Renato Tuazon De Guzman Jr. ng Nueva Ecija University of Science and Technology-Cabanatuan na may 81.40%, top 9 si Gian Favian Soto Cabrera ng Nueva Ecija Unviersity of Science and Technology-Cabanatuan na may 81.30% at top 10 sina Danielle Gonzales Franco ng Holy Angel University, at Joshua Seth Magno Jabile ng Ateneo de Davao University na  81.10%.

Ayon sa PRC, 560 mula sa 849 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.

Wala pa namang anunsyo ang PRC kung kailan gagawin ang oath taking.

 

Read more...