Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa buwan ng Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 3.07 milyon o 6.9 percent ang naitalang unemployment rate noong Hulyo.
Mas mababa ito sa 3.73 milyon o 7.7 percent na walang trabaho noong Hunyo.
Pero ayon sa PSA, maaring tumaas ito sa buwan ng Agosto dahil sa muling pagpapatupad ng ehanced community quarantine dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Isinailalim sa ECQ ang Metro Manila noong nakaraang buwan.
Sa ilalim ng ECQ, tanging ang mga essential business ang pinapayagan na magbukas ng operasyon.
MOST READ
LATEST STORIES