DepEd muling nagbukas ng command center para sa mga enrollment issues

DepEd Photo

Naglagay muli ang Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela Public Assistance Commander Center sa buong bansa para magbigay linaw sa lahat ng mga isyu na may kinalaman sa pagsisimula muli ng mga klase ngayon taon.

“We want to make sure that we will be able to address all enrollment-related issues and queries of the stakeholders for us to assist them and create policies if deemed necessary,” sabi ni Education Secretary Leonor Briones.

Paalala lang din nito sa mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak bago pa ang muling pagsisimula ng mga klase sa darating na Lunes, Setyembre 13.

Hanggang kahapon, Setyembre 6, 17.9 milyon na ang nagpa-enroll para sa School Year 2021 – 2022.

Ang mga isyu na may kinalaman sa ‘school opening’ ay maaring iparating sa DepEd sa pamamagitan ng pagtawag sa hotlines, emails, text at social media.

Hindi pinapayagan ang ‘walk in’ bilang bahagi ng health protocols para protektahan na rin ang mga kawani ng kagawaran.

“To protect the health of the persons involved, the set-up is strictly limited to concerned personnel only. We will practice stringent health and safety protocols throughout OBE campaign without sacrificing our service to the public,” sabi ni Usec. Nepomuceno Malaluan.

Read more...