PROBLEMA LANG YAN ni Brenda Domato

brendaPaano lalabanan ang stress sa simpleng paraan.

Sa dami ng problemang pinagdadaanan ng tao problema man sa pamilya, pera o sa pag-ibig – nagdudulot yan sa atin ng matinding stress.

Kung tambak-tambak ang mga ipinagagawa sa iyo ng iyong boss sa trabaho, abay tambak din ang pumapasok sa iyong isipan. Kung sawi sa pag-ibig, ang gabi-gabing pag iyak sa kakaisip sa iyong minamahal ay magdudulot din sa iyo ng stress. Alam kong nakare-relate ka dyan. Pero keri lang, move-on din pag may time.

Lalo pa kung ang pinagdadaanang problema ay problema sa pamilya. Hindi ba’t mas stressful ito?

Ang stress ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa.

Pero dapat rin nating isipin na ang stress ay bahagi na ng pang araw-araw na buhay para sa maraming tao. Paano nga ba maiiwasan ang stress? Manatiling positibo. Mag-isip ng mga magagandang bagay tungkol sa sarili at kapaligiran. Ugaliing maging positibo sa pag-iisip sa mga hinaharap at isiping malulutas rin ang mga problema.

Hayaan na minsan ka lamang malungkot. Bigyan ang sarili ng sapat na panahon para magdalamhati sa kawalan at unti-unting mag-adjust para malampasan ito. Okey lang ang mga “hugot moments” paminsan-minsan pero tiyakin na hindi ka affected. Bisitahin ang isang matalik na kaibigan o kaya ay kamag-anak. Ang isang mabuting kamag-anak o kaibigan ay makakatulong lalo’t ito ay isang taong magaling makinig, puwede mapaghingaan ng iyong saloobin at makapagbibigay ng magandang payo. Kung may kakilala kayong pari o ministro, mas maigi.

Tumawa ng madalas at libangin ang sarili. Sabi nga nila, “laughter is the best medicine”. Maaari itong ma-achieve sa simpleng pakikipagbiruan, Panonood ng pelikulang nakakatawa o nakakaaliw o pagbabasa ng mga librong nakakapagbigay saya at inspirasyon.

Kumanta ka. Kahit marami ang makakarinig, kahit hindi man ganoon kaganda ang inyong boses dahil ayon sa pananaliksik, ito ay mabisang pangontra sa stress. Nagpapababa din ng presyon at nakakapag-release ng mga mood enhancers gaya ng oxytocin at nakapagpapakalma ng sympathetic nervous system.

Matutong tumanggi o sabihin ang salitang “hindi o ayaw” … alamin ang sariling limitasyon. mapasapersonal o propesyonal na buhay, matutong umiwas sa dagdag na responsibilidad pag kulang ang iyong oras na magampanan ito.

Iwasan ang mga taong negatibo. Maaari mong bawasan ang mga oras na kasama ang mga negatibong tao o di kaya’y lubos mo nang iwasan kung hindi magbago ito dahil nakaka-dagdag lang sila sa stress lalo ang negative energy na kanilang ibinibigay.

Matutong magpatawad. Sadyang nagkakamali ang tao at kasabihan na nga na kung ang diyos ay nagpapatawad, tayo pa kaya na tao lamang. Lagi ring tatandaan na walang perpektong tao at kung sasamahan daw yan ng pagdadasal ay madaling maaalis ang anumang nagpapabigat sa ating buhay.

Alam ko na kayang-kaya natin anuman ang dumating sa ating buhay. Gaya ng lagi kong paalala, good vibes lang lagi para dumating ang swerte.

Pakinggan ang ating programa Balita Nueve Nobenta (Mon-Friday 5:00-6:00am) kasama si partner Jay Dones at tuwing sabado sa Tinig ng mga Eksperto (8:00-9:00am) at Warrior Angel (11:00-12:00nn).//

Read more...