Naaresto sa buy-bust operation ng Las Piñas City Police sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road ang mga suspek na sina Danilo Oliverio Arceo, 59, ng Tondo; Abdul Camid Masa Pantawagas, 35; Zapro Halid at Khadafi Cadar, pawang mga residente ng Parañaque City.
Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District, unang inireklamo ng 2 World Traders Inc. sa pangunguna ng Operations Manager na si Felix Flores ang apat sa pagbebenta ng mga pekeng ‘Antitet’, isang brand ng tetanus anti-toxin.
Sa reklamo ni Flores, sila lamang ang lehitimong distributor ng naturang gamot sa bansa na kanilang ibinebenta ng legal sa halagang 100 piso bawat vial.
Dahil dito, naglunsad ng buy-bust operation ang mga otoridad.
Sa operasyon, naaresto ang apat na suspek habang ibinebenta ang tatlong kahon ng na naglalaman ng nasa 3,470 vial ng pekeng ‘Antitet’ vaccine na nagkakahalaga ng halos 400,000 piso.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Cheaper Medicines Law ang apat na suspek.