Base ito sa sitwasyon ng ospital hanggang Lunes, September 6.
Sinabi rin ng pamunuan ng ospital na mayroon pang mga pasyente na naghihintay sa pila para ma-admit sa Emergency Rooms.
Umapela ang SLMC sa mga pasyete na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 at kailangan ng agarang medical treatment na ikonsidera ang iba pang healthcare institutions upang ma-accommodate.
“Be assured that we will keep the phblic updated on any development concerning our ER capacity,” saad ng ospital.
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa, hinikayat ng SLMC ang publiko na sumunod sa minimum health standards.
Sa ganitong paraan, makakatulong anila ang publiko upang mapababa ang kaso ng COVID-19.