Mayor Violago, positibo sa COVID-19

Photo credit: Mayor Cipriano Violago Jr./Facebook

May isa pang alkalde sa Bulacan ang tinamaan ng COVID-19.

Sa Facebook, inanunsiyo ni San Rafael, Bulacan Mayor Cipriano Violago Jr. na positibo siya sa nakakahawang sakit.

Ilang araw na aniya siyang nakakaramdam ng flu-like symptoms kung kaya’t agad siyang sumailalim sa RT-PCR test.

Naka-quarantine na aniya siya simula nang magkaroon ng sintomas at patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa Muncipal Health Office.

“Sa ngayon ay mabuti ang aking lagay at sa patnubay ng ating Poong Maykapal, ito po ay mapagtatagumpayan natin,” pahayag ng alkalde.

Hiling naman nito sa publiko ang panalangin para sa lahat ng lumalaban sa nakahahawang sakit.

Read more...