Bilang ng enrollees para sa S.Y. 2021-2022, higit 17.9-M na

Umabot na sa 17.9 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Lunes ng madaling-araw, September 6, nasa 17,967,733 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 12,567,436 enrollees sa public; 824,469 sa private; habang 18,501 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,638,902 enrollees.

Sumunod dito ang Region 3 na may 1,854,717 enrollees, at National Capital Region na may 1,784,481 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

Read more...