Pumalo na sa 221.55 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 221,556,009 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 40,805,259 cases.
Sumunod na rito ang India na may 33,027,621 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 20,890,779 naman ang kaso sa Brazil habang 7,012,599 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 6,978,126
– France – 6,836,452
– Turkey – 6,498,054
– Argentina – 5,203,802
– Iran – 5,129,407
– Colombia – 4,918,649
– Spain – 4,877,755
– Italy – 4,571,440
– Indonesia – 4,129,020
– Germany – 4,013,808
– Mexico – 3,428,384
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,581,930 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 198,063,983 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.