Metro Manila, isasailalim sa GCQ simula Sept. 8 hanggang 30

Isasailalim na ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) simula sa Miyerkules, September 8.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tatagal ang GCQ sa nasabing rehiyon hanggang September 30.

Paliwanag ni Roque, ibinaba sa GCQ ang quarantine classification sa NCR kasunod ng gagawing granular lockdowns.

Epektibo ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang September 7.

Read more...