Dahil sa bagyong Jolina, ayon sa PAGASA, itinaas ang Tropical Cycle Wind Signal No. 1 sa Eastern Samar sa Visayas, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands sa Mindanao.
Makakaranas nang malakas na hangin na may pagbugso ang mga nabanggit na lugar sa susunod na 36 oras.
Magdudulot din ng may kalakasan hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa susunod na 24 oras.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagkakaroon ng flashflood at landslides sa mga ‘hazard areas.’
Namataan ang sentro ng bagyo, 330 kilometro silangan-timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lakas ng hangin aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito kanluran-timog-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras at may posibilidad na tumama ito sa kalupaan sa Hilagang Luzon sa Biyernes, Setyembre 8.