Iginiit ni Senator Christopher Go na hindi niya hihilingin na magbitiw si Senator Richard Gordon bilang chairman ng Philippine Red Cross (PRC).
Paglilinaw nito nabanggit lang niya na maaring may ‘conflict of interest’ dahil senador ito at kasabay nito ang pamumuno sa PRC.
Diin ni Go mataas ang respeto niya kay Gordon at malinis ang kanyang hangarin sa pagtulong sa mga kapwa Filipino.
Paliwanag pa niya nang magsimula ang pandemya ay nakipagkasundo ang PRC sa Philhealth, na ngayon ay iniimbestigahan ng Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Gordon.
Dagdag pa nito, ang pahayag ni Pangulong Duterte na pagsilip sa lagay pang-pinansiyal ng Red Cross ay base sa katuwiran na marami din donasyon ang gobyerno sa PRC.
Ayon kay Go may gastusin ang PRC na mula sa pondo ng gobyerno kayat dapat din lang malaman kung saan nagamit ang mga ito.