Pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila sisimulan sa Setyembre 8

MUNTINLUPA CITY PIO PHOTO

Inanunsiyo ni Interior Secretary Eduardo Año na sa Setyembre 8, araw ng Miyerkules, sisimulan ang pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila.

Hindi naman tinukoy ni Año ang mga lugar kung saan susubukan ang bagong diskarte na ang layon ay mapigilan ang pagkalat pa ng COVID 19.

Paliwanag pa ng kalihim, magsasagawa sila ng assessment at dito ibabase ang gagawin nilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

Una nang ipinunto ng OCTA Research Group na maaring makatulong ang pagbaba ng kaso ng hawaan ng COVID 19 ng granular lockdown bagamat nangangailangan ito ng karagdagang tauhan para epektibong maipatupad.

Si Trade Sec. Ramon Lopez naniniwala na mas makakatulong sa ekonomiya ang granular lockdown kumpara sa mahihigpit na quarantine restrictions.

Read more...