SRA ng 97,000 healthcare workers mababayaran na

Aabot sa 97,000 na healthcare workers at frontliners ang makikinabang sa P888 milyong pondo na inilabas ng Department of Budget and Management para sa special risk allowance.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang SRA ay para sa mga healthcare workers na tumutugon sa pandemya sa COVID-19.

Sa Lunes aniya, September 6 maaring i-release na ng DBM sa DOH ang Special Allotment Release Order (SARO).

Aabot sa P5,000 kada buwan ang matatanggap ng mga healthcare workers.

Una nang naglabas ang DOH ng P7 bilyong pondo para sa SRA ng mahigit 300,000 health workers.

 

Read more...