Sen. Cynthia Villar sinabing dapat padamihin ang Kadiwa Bagsakan Centers

Para mas maraming magsasaka at mamamayan ang makinabang, sinabi ni Senator Cynthia Villar na dapat ay dagdagan pa ang Rice Up Kadiwa Bagsakan Center.

 

Sinabi ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture sa ganitong paraan mas maraming lugar na mapapagbentahan ang ani ng mga magsasaka, samantalang ang mamamayan naman ay makakabili sa murang halaga.

 

Sa inagurasyon ng Rice Up Kadiwa Bagsajan Centers sa Floridablanca, Pampanga, pinangunahan ni Mayor Darwin Manalansan, pinuri ni Villar ang pagsusumikap para maitaguyod ang naturang programa.

 

Binanggit nito ang kahalagahan ng ambag ng mga magsasaka para matiyak na may makakain ang sambayanan kaugnay sa seguridad ng pagkain sa bansa.

“Our farmers belong to the country’s heroes so they serve as my inspiration in my job as a senator,” punto ni Villar at dagdag niya; “This is the right model wherein farmers have greater role to play in our agricultural value chain.”

 

Kumikilos na ang senadora para sa mga programa na makakatulong sa mga magsasaka na gumamit ng mga makabagong teknolohiya para madagdagan ang kanilang ani at dumami ang suplay ng mga produktong-agrikultural sa bansa.

Read more...