Masasabing kumakain pa rin ng alikabok ang Dito Telecommunity sa Globe at PLDT.
Base ito sa ulat ng Opensignal, isang independent mobile analytics specialist, na ang Dito, ang third telco player ng bansa, ay nahaharap sa limitadong network footprint.
Hindi rin imposible na ang mga sumubok sa Dito Telecom ay lumipat o bumalik sa Globe at PLDT.
“Globe and PLDT have aggressive network spending plans compared to Dito which needs to divert capital to widen its footprint,” pagpupunto ng Opensignal.
Binanggit ang download speed ng Dito sa nakalipas na dalawang buwan ay 11 porsiyento hanggang 26 porsiyento na mabagal kumpara sa Globe at PLDT sa Cebu, Davao at Metro Manila.
Bunga na rin ng sinasabing network quality gap, mas pinipili pa rin ng mobile users ang Globe at PLDT.
Hindi rin aniya maaring maipagmalaki pa ng Dito Telecom ang pagkakaroon na ng dalawang milyong prepaid subscribers dahil hindi ito maaring gawing sukatan ng kita.
Dapat, ayon sa Onesignal, ay maglabas pa ng dagdag puhunan ang Dito Telecom.
“The question lies with capital commitment as telcos require material investment to compete. We are not confident that the law which will allow for 40% foreign ownership will be passed given a potential Senate impasse especially with national elections next year,” sabi pa ng analyst.