LPA namataan sa labas ng PAR

Isang low pressure ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mababa ang tsansa na maging tropical depression ang LPA.

Namataan ang LPA sa layong 2,080 kilometers east ng Mindanao.

Sa ngayon, patuloy na nakaapekto sa western section ng Luzon ang monsoon trough.

Magiging maaraw ang panahon sa bans ana mayroong isolated rain showers sa hapon at gabi.

 

 

Read more...