BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng 20,310 na bagong kaso ng COVID-19

Mahigit 20,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (September 3), pumalo na sa 2,040,568 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 158,994 o 7.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 20,310 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 0.92 porsyento ang moderate; 1.0 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 193 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 33,873 o 1.66 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,710 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,847,701 o 90.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...