Wala pang COVID-19 Mu variant sa bansa – PGC

Wala pang COVID-19 Mu variant sa bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center na base sa mahigit 12,000 samples na kanilang nasusuri, wala pang nagpopositibo sa Mu variant.

Sinabi pa ni Saloma na sa ngayon, namamayagpag pa rin ang Delta variant sa Metro Manila at CALABARZON.

Bagamat wala pang Mu variant sa Pilipinas, sinabi ni Saloma na hindi dapat na maging kampante ang publiko.

Nagmula ang Mu variant sa Columbia.

Read more...