SP Sotto, 6 pang senador perfect attendance; Pacquiao una sa ‘leaves’

Senate PRIB Photo

Dinaluhan ni Senate President Vicente Sotto III at lima pang senador ang lahat ng sesyon ng 1st at 2nd Regular Session ng 18th Congress.

Bukod kay Sotto, nakapagtala din ng perfect attendance sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Frank Drilon, Sens. Risa Hontiveros, Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian sa plenary sessions simula Hulyo 22, 2019 hanggang nitong Setyembre 1.

“I’m accountable to those who trusted me with my position. Therefore, it’s incumbent upon me to work diligently come hell or high water,” ang pahayag ni Sotto.

May 67 session ang 1st Regular Session na nagsimula Hulyo 22, 2019 hanggang Hunyo 4, 2020 samantalang bagamat kasagsagan na ng pandemya, nagkaroon pa ng 69 sessions sa 2nd Regular Session mula Hulyo 27, 2020 hanggang nitong Hunyo 3.

Samantala, sa dalawang taon ng 18th Congress, pinakamaraming hindi pagdalo sa mga sesyon si Sen. Manny Pacquiao (10 absences, dalawang sick leaves).

Kasunod niya sina Sen. Francis Pangilinan (anim na absences, dalawang sick leaves); Sen. Koko Pimentel III (apat na absences); at Sen. Ronald dela Rosa (apat na sick leaves).

Ngayon 3rd Regular Session, may walo ng pagliban sa mga sesyon si Pacquiao.

Read more...