146 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19

Nasa 164 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (September 3), 35,131 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,040 ang aktibo pang kaso.

146 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 32,985 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 106 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...