Pope Francis hindi magbibitiw sa puwesto

Pinabulaanan ni Pope Francis ang kumakalat na balita na magbibitiw siya sa puwesto matapos maoperahan sa colon.

Sa panayam sa Santo Papa ng Spanish radio Cope, sinabi nito na hindi sumagi sa kanyang isipan na magbitiw sa puwesto.

Sinabi pa ng Santo Papa na hindi niya alam kung saan nanggaling ang naturang balita.

Katunayan, sinabi ng Santo Papa na may nakatakda siyang biyahe sa Greece, Cyprus, at Malta.

Bibisita rin ang Santo Papa sa Hungary at Slovakia sa September 12-15 at makikipagpulong kay Hungarian Prime Minister Viktor Orban.

Dadalo rin ang Santo papa sa COP26 Climate conference sa November.

Ayon sa Santo Papa, karaniwan nang lumulutang ang balita ng pagbibitiw sa puwesto kapag nagkakasakit ang pinakamataas na lider ng simbahang katolika.

Pagtitiyak ng Santo Papa maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.

 

Read more...