Ginagamit ni Senador Richard Gordon ang pondo ng Philippine Red Cross para sa kanyang political plans.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ginagawang gatasan ni Gordon ang PRC para pondohan ang kanyang kandidatura sa eleksyon.
Isa si Gordon sa mmga naghayag na tatakbong pangulo ng bansa sa 2022 presidential elections.
Payo ng Pangulo kay Gordon, bitiwan na ang kanyang posisyon sa humanitarian organization.
“Alam mo ginagamit mo itong Red Cross, and I dare say na ginamit mo talaga ito para sa elections. Ito ‘yung milking cow mo eh sa totoo lang. You have been there for quite a time. Is it not fair to say now that bumitaw ka na and give others a chance at para mahinto na ‘yung — ‘yung ginagawa mong kalokohan?” pahayag ng Pangulo.
Una rito, binanatan ng Pangulo si Gordon dahil sa pagsasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ng senador ng pitong oras na hearing sa P67 bilyong COVID fund ng Department of Health.