‘Ceasefire’ sa pagitan ng Malakanyang, Senado handang ayusin ni SP Tito Sotto

Handa si Senate President Vicente Sotto III na lumapit kay Pangulong Duterte para magkalinawan sa mga isyu kaugnay sa pag-iimbestiga sa Senado ng paggasta ng Department of Health (DOH).

 

Paniwala ni Sotto mga maling impormasyon ang nakakarating kay Pangulong Duterte kayat nakapagbitaw ito ng mga salita na hindi nagustuhan ng ilang senador.

 

“Ang tingin ko para hindi lang lumala, I would take it upon myself. Tutal kaibigan ko naman si Pangulo, hindi naman siya tumatawag sakin, pero I will probably go out of my way and ask if he’s willing for us to talk at pag-usapan namin ito,” sabi ni Sotto sa isang panayam.

 

Aminado ang senador na hindi maganda na nag-aaway ang Ehekutibo at Kongreso, na nangyayari ngayon dahil sa mga nabunyag sa nagdaang dalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

 

Hinala din ni Sotto na maaring ‘fake news’ ang napanood ni Pangulong Duterte ukol sa pag-iimbestiga ng Senado dahil nabanggit aniya ni Sen. Christopher Go na mahilig manood ng online news ang Punong Ehekutibo.

 

Read more...