Bahagyang humina ang epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa.
Bunsod nito, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na asahan na ang maaliwalas na panahon sa bansa.
Gayunman, malaki pa rin aniya ang tsansa na makaranas ng isolated o localized thunderstorms.
Wala rin aniyang gale warning na nakataas sa bansa.
Sinabi pa nito na walang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlong araw.
MOST READ
LATEST STORIES