Aquino admin, bagsak sa pagtugon sa hinaing ng mga manggagawa

Benigno-AquinoBagsak na grado ang ibinigay ng Political Analyst na si Ramon Casiple sa administrasyong Aquino kaugnay sa pagtugon sa mga hinaing ng mga manggagawang Pilipino.

Kahit sino kasi aniya ang tanungin ngayon ay diskuntento ang isasagot sa tanong kung sila ba ay kuntento sa uri ng pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng mga manggagawa, kabilang na dito ang problema sa hindi tamang pasahod, isyu ng wage increase at unemployment.

Paliwanag ni Casiple sa Radyo Inquirer may “Corporate social responsibility” dapat ang mga employer sa kanilang manggagawa pero hindi aniya ito nangyayari dahil mas inuuna ng mga kapitalista ang malaking kikitain ng kanilang negosyo.

Nangyayari aniya ito dahil tila binabalewala lamang naman ng gobyerno ang reklamo ng ilan sa mga manggagawa na naabuso sa kanilang trabaho.

Dahil dito, mas mainam aniya na kilatisin ng mabuti ng mga botante ang mga ihahalal na mga bagong lider ng bansa, at hindi iyong nagsaabing maka-manggagawa pero wala namang malinaw na probgrama para sa kanilang hanay.

 

Read more...