Idinaan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa ‘renewal of vows’ ang selebrasyon ng kanilang ika-pitong wedding anniversary.
Naganap ang seremonya sa isang pribadong resort sa Batangas kahapon (April 30).
Pretty in white si Judy Ann, na kapapanganak lamang noong January 2016.
Kasama ng mag-asawa ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at bunsong si Juan Luisa.
Dinaluhan din ang okasyon ng mga pamilya, showbiz at non-showbiz friends nina Ryan at Juday.
April 28, 2009, ikinasal ang dalawa sa Batangas, kung saan naging napaka-pribado ng seremonya at kahit mga bisita ay hindi nagdala ng cellphones at cameras.
MOST READ
LATEST STORIES