Tumamang lindol sa Biliran, itinaas sa magnitude 5

(UPDATED) Itinaas sa magnitude 5 ang tumamang lindol sa Biliran, Biliran.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Northwest ng Biliran dakong 3:23 ng hapon.

Limang kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Dahil dito, nakapagtala ng intensities sa ilang lugar:
Intensity V – Biliran, Naval, Almeria, and Cabucgayan, Biliran
Intensity IV – Culaba, Caibiran, and Kawayan, Biliran; Calubian and Leyte, Leyte
Intensity III – Maripipi, Biliran; Ormoc City; Capoocan, Carigara, Isabel, and Kanaga, Leyte
Intensity II – Palo and Jaro, Leyte; Guadalupe City, Cebu; Masbate City

Instrumental Intensities:
Intensity VI – Naval, Biliran
Intensity III – Carigara, Leyte
Intensity II – Palo and Alangalang, Leyte
Intensity I – Abuyog, Leyte; Catbalogan City, Samar

Sinabi ng Phivolcs na maaring may maidulot na pinsala ang lindol.

Posible ring makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...