Tatlong milestones na ang nai-record sa Pilipinas sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, unang milestone ay umabot na sa 34.12 milyon ang mga nabakunahan hanggang September 1, 2021.
Base ito aniya sa National COVID-19 Dashboard.
Pangalawang milestone, ayon kay Roque ay nasa 20,002,404 na ang nakatanggap ng first dose o katumbas na 25.93 porsyento.
Ang pangakong milestone, ayon kay Roque ay nasa 14,109,916 ang fully vaccinated o katumbas na 18.29 porsyento.
Aabot na sa 52 milyong doses ng COVID vaccines na ang nakukuha ng Pilipinas.
Sa naturang bilang, 32 milyon ang binili ng pamahalaan samantalang 3.6 milyon ang na-procure ng mga lokal na pamahalaan at local government units.
Nasa 13, milyon ang COVAX donation; habang 3. 6 milyon ang donasyon galing sa ibang mga bansa.