Sen. Ping Lacson: Importante ang presyo ng mga binibili ng gobyerno

Ngayon nagkakabanggaan ang Senado at Malakanyang sa isyu ng ‘overpricing’ ng medical supplies, iginiit ni Senator Panfilo Lacson na napakahalaga ng presyo ng mga binibili ng gobyerno.

 

Katuwiran ni Lacson na pera ng taumbayan ang ginagamit kayat mahalaga ang presyo lalo na ngayon may pandemya.

 

“But price matters even more at this time, especially if there is gross overpricing of medical supplies involving billions of pesos in public funds while millions of Filipinos are losing their jobs due to the pandemic,” punto ng senador.

 

Sabi pa niya kung mali ang pagpuna sa mga pagbili ng gobyerno at kung ginagawa ito para ilihis ang atensyon ng publiko, mistulang wala ng pag-asa ang Pilipinas.

 

Magugunita na sa dalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, napagtuunan ng pansin ng husto ang sobra-sobrang taas ng presyo ng mga biniling medical supplies ng Department of Budget gamit ang P42 bilyong COVID 19 fund ng Department of Health.

 

Sa susunod na linggo ay ipagpapatuloy ang pagdinig sa isyu, na nag-ugat sa naisapublikong obserbasyon ng Commission on Appointment.

Read more...